Tsia Lo!

external image Ma+Mon+Luk+from+Ajay%27s+Writings+on+the+Wall.jpg
Halata namang nakakasawa ang paulit-ulit, lalong lalo na kung pagkain ang pinag-uusapan, at ang partikular na panlasa ng mga Pilipino ay di taliwas. Masarap naman ang pagkaing Pilipino, ngunit ang iba't ibang panglaman ng bituka ay gugustuhin ng kahit sino. Noong dumating ang mga Tsino, dala dala nila ang kanilang kultura at ang kanilang mga kakaibang pagkain sa ating bansa. Siyempre, ibang mga kasangkapan ang kailangan ng mga Tsino para lutuin ang kanilang pagkain at ilan sa mga kasangkapang ito ay hindi matatagpuan sa Pilipinas o masyadong bihira at mahal bilhin kaya gumamit na lang sila ng mga kasangkapan na mayroon ang Pilipinas.

external image noodles.jpgNgunit, isang lalaking nagngangalang Ma Mon Luk ang nagpasimuno sa pagbenta ng mga pagkaing Tsino sa mga Pilipino. Nagsimula ang kanyang negosyo noong kanyang tinayo ang kanyang maliit na kainan na ang pangalan din ay Ma Mon Luk. Dito sumikat ang mami, o noodle soup, at siopao, o steamed bun. Dahil sa sarap ng mga ito, naging araw-araw o linggo-linggo ang dalaw ng mga gustong bagsakan ang kanilang mga bituka ng external image tokwa.jpgmainit, masarap at malinamnam na pagkain.

Sa paglipas ng panahon, ang mga pagkain Tsino ay umunlad at nilapatan ng kultura ng Pilipinas. Ang ilan sa mga pagkain na tinaguriang Tsinoy ay ang iba't ibang luto ng pancit, o noodles, tokwa, o tofu, texternal image soy-sauce.jpgoyo, o soy sauce at iba pa. Hindi man ang mga ito orihinal na gawa ng mga Pilipino, ngunit ang mga resipe ay pinaltan nang konti at ginawang sariling atin. Nasa kultura na ng mga Pilipino ang mga Tsinoy, at gaya nila nasa kultura na rin natin ang mga pagkaing bunga ng pakikiisa ng mga ideyang Tsino at Pilipinong sa kusina.

Mula noon hanggang ngayon, ang mga pagkaing ito ay bahagi na ng mga lutong-bahay ng maraming mga pamilyang Pilipino, at halos nakalimutan ng nga nila na ang mga ito ay galing sa mga Tsino. Kahit di natin mapansin, napakaimportante ng mga ito sa araw-araw na pamumuhay ng lahat ng Pilipino mula tuktok hanggang dulo ng Pilipinas.


History of Filipino Food, Chinese Influence. Retrieved July 8, 2010, from:
http://www.myfilipinokitchen.com/history-of-filipino-food-chinese-influence/

When was the last time you at Ma Mon Luk?. Retrieved July 8, 2010, from:
http://homecookingrocks.com/when-was-the-last-time-you-ate-at-ma-mon-luk/

Mga Larawan Galing sa:
http://erikribeiro.com/pampanga/tokwa.jpg
http://eternalopus.files.wordpress.com/2009/06/noodles.jpg
http://1.bp.blogspot.com/_7zwOrQu6ckw/SPGxCF5FeOI/AAAAAAAAMF0/F1wulBreWFI/s400/Ma+Mon+Luk+from+Ajay%27s+Writings+on+the+Wall.jpg